Babalik Ka Rin

Hindi naman talaga kita nakalimutan.

IMG_1493

Maari bang tuluyang mawala ang lahat ng meron tayo?

Maari bang makalimutan kung paano natin napatunayan sa mundo na hindi lahat ng bago, masama?

Maari bang hindi na ituloy ang kaisa-isang bagay na tumutulak sakin magpatuloy?

Maari bang makalimot ang puso?

Babalik ka rin.

Alam ko, babalik ka rin. Alam ko na magkakaroon ulit ng bagong tayo. Alam ko, alam ng puso ko.

Pero ngayon, titigil muna tayo.

May bukas, ngunit wala munang ngayon.

May pag-asa, ngunit wala munang pilitan.

Mahal kita ngunit titigil muna.

Titigil muna para sa tamang panahon, kapag hindi na kita kayang ipagpalit sa mga bagay na panandalian lang, mahanap ulit kita. Mahanap ko ulit tayo.

Titigil muna para mabigyan ko ng pagkakataon ang puso kong lumaban.

Titigil muna para ikaw naman ang mahanap, ang maipaglaban.

Titigil muna para makabuo ulit ng istorya na may panibagong tagpuan.

Maari bang itigil muna ang ngayon para may bukas?

Gustong gusto kita pero hindi ko gusto kung anong meron tayo.

Gusto kong magsimula ulit. Kahit masakit. Kahit may masasaktan. Kahit lahat ng nakasanayan, mawala.

Kasi sigurado ako, babalik ka rin.

Hindi ako tumatakas. Hindi rin ako umiiwas.

Wala namang tatakasan. Wala ring iiwasan. Pero may kailangan iwanan.

Kailangang mamili. Kailangang may piliin.

Iiwanan kita pero pipiliin ko tayo.

Pipiliin kong maniwala sa sinasabi ng Diyos, “May sakit pero may Ako.”

Babalik ka rin. Babalik rin ako. Sa kamay na kahit kailan hindi mang-iiwan.

May sakit pero may ako. May sakit pero may ako. May sakit pero may ako.

May darating na bukas.

May darating na bagong ikaw.

May darating na bagong ako.

May darating.

Babalik ka rin.

 

 

 

8 thoughts on “Babalik Ka Rin

  1. Nice one Ms. Joena😇😊 Kung my dumating man sa buhay natin na akala natin sya na, tapos bigla syang mawawala. Un ay may dahilan ang Diyos kung bakit Nya binigay at bakit Nya hinayaang mawala. For us to learn and feel the experienced being loved pero sana higit sa lahat huwag po taung mawawalan ng pag-asa na kaya siguro God let It to happen is for us to grow more, or sa marami pang dahilan. Always remember na darating din yung taong ipagkakaloob sa atin ng Diyos. Matuto labg tayong maghintay at magtiwala sa kanya. Sapagkat ang mabuting asawa ay manggagaling sa Kanya.😇😊

  2. Naiyak ako habang binabasa to. Naramdaman ko rin yung sakit. Kasi may kailangan bitawan. May kailangan iwan. But I always believe it was always meant for good. I’m rooting for you, Joena. I know, by God’s grace, things will be better.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s